PBBM, makikipagpulong sa ASEAN Dialogue Partners

PBBM, makikipagpulong sa ASEAN Dialogue Partners

NAKATAKDANG makipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ASEAN Dialogue Partner kabilang ang Canada, China, Japan, at United States.

Ito ay bukod pa sa talakayan kasama ang mga lider ng ASEAN Member States.

Nitong gabi ng Miyerkules, ligtas na nakarating sa Phnom Penh, Cambodia si Pangulong Marcos kasama ang ibang miyembro ng gabinete upang daluhan ang 40th and 41st ASEAN Summits and Related Summits.

Kaugnay nito, umaasa ang Pangulo na mas titibay ang relasyon ng Pilipinas sa mga bansang makakasalamuha kasabay ng nasabing summit.

 

Follow SMNI News on Twitter