Ipinapasuspinde na muna ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng frozen galunggong, tulingan, at alumahan.
Sanhi dito ang mga ulat na natanggap ng ahensiya na dinadala ang mga frozen product sa wet market.
Ang resulta, naapektuhan ang kita ng mga lokal na mangingisda.
Sa Memorandum Order No. 14, binigyang-diin ng DA na ang imported frozen galunggong, tulingan, at alumahan ay para lamang sa canning at processing o kaya para sa catering ng mga hotel at restaurants.
Ang suspensiyon ay nilagdaan noong Abril 1 at epektibo ito pagkatapos ng 15 araw.