AASAHANG matatalakay ang iba’t ibang isyu ngayong dumating na sa Russia para sa isang two-day visit si Indian Prime Minister Narendra Modi.
Halimbawa na rito ang Ukraine-Russia War kung saan nananatiling neutral ang India.
Inaasahang matatalakay rin Nina Modi at Russian President Vladimir Putin ang regional at global developments na pawang may interes silang dalawa.
Dumating sa Russia si Modi araw ng Lunes, Hulyo 8.
Ito na muli ang kauna-unahang pagbisita ni Modi sa Moscow matapos sumiklab ang Russia-Ukraine War noong 2022.