Inflation rate sa bansa nitong Disyembre, bumilis pa sa 8.1% –PSA

Inflation rate sa bansa nitong Disyembre, bumilis pa sa 8.1% –PSA

BUMILIS sa antas na 8.1% ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Disyembre 2022.

Ito ang pinakamataas na naitalang inflation simula noong Nobyembre 2008.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), ang average inflation mula Enero hanggang Disyembre 2022 ay nasa antas na 5.8%.

Sinabi ng PSA na ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation noong nakaraang buwan ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na may 10.2% inflation at 38.9% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Ang pangalawang commodity group na nag-ambag sa mas mataas na antas ng inflation nitong Disyembre 2022 ay ang restaurants and accommodation services na may 7% inflation at 24.8% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Habang ang housing, water, electricity, gas and other fuels ang pangatlong commodity group na nagpakita ng mas mataas na inflation na may 7% inflation at 11% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter