MABABA pa ang inflation na nararanasan ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa.
Sa Argentina, aabot sa 97% ang kanilang inflation at sa Turkey ay 64%.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Statistic Authority (PSA), bumilis sa antas na 8.1 percent ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Disyembre 2022.
Ito ang pinakamataas na naitalang inflation simula noong Nobyembre 2008.
Sa panayam ng SMNI News, ipinaliwanag ni Economist Dr. Michael Batu kung bakit ito nangyayari.
Aniya, may mga intervention na ginagawa sa international market ang Bangko Sentral ng Pilipinas para dito.
Ang malaking contributor sa nangyaring inflation na nararanasan ng bansa ayon kay Batu ay ang pag-aangkat ng Pilipinas ng iba’t ibang uri ng produktong pagkain.
Kung mareresolba lang din aniya ito at hindi na masyadong aangkat ang Pilipinas, mas mapapababa pa ang inflation ng bansa.
Magkakaroon pa aniya ng trabaho ang mga Pilipino dahil dito.