MAS mababa ang bilang ng mga insidente ng sunog ngayong 2023 kumpara noong 2022.
Sa televised public briefing, sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP) spokesperson FSupt. Annalee Atienza na nasa 1,984 fire incidents ang kanilang naitala sa buong bansa simula Enero 1 – Marso 1, 2023.
Ito ay mas mababa ng 21% kumpara sa 2,520 insidente ng sunog na naitala sa kaparehong petsa noong 2022.
Ayon kay Atienza, pangunahing dahilan ng mga sunog ay electrical emission.
Aminado rin si Atienza na kulang pa rin sa tauhan at kagamitan ang BFP para sa pagresponde sa sunog.
Habang patuloy naman aniya ang ugnayan ng BFP sa local government units (LGUs) at sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para masuportahan ang mga programa ng BFP.
Ngayong buwan ng Marso ay ginugunita ang Fire Prevention Month.