BUMAGSAK ng 83.97% ang bilang ng foreign visitors sa bansa noong nakaraang taon bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sa datos ng Department of Tourism, mula sa 8.2 milyon noong taong 2019 ay lumagapak sa 1.3 milyon ang bilang ng international tourist arrivals mula Enero hanggang Disyembre noong 2020.
Dahil dito umabot lamang sa P81.40 bilyon ang kinita ng gobyerno sa turismo noong 2020 na higit na mas mababa sa P4882.16 bilyong kita noong 2019.
Gayunman, iginiit ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, na patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa sitwasyon sa iba’t ibang bansa lalo’t may mga bagong variant ng COVID-19 ang kumakalat.
Sa ngayon anito, mananatili muna ang istratehiya ng ahensiya sa pagpapalakas ng domestic tourism kasabay ng muling pagbubukas ng ilang local government units (LGUs).