Internet voting, posibleng ipatutupad sa mga nakatatanda, PWDs, mga buntis— COMELEC

Internet voting, posibleng ipatutupad sa mga nakatatanda, PWDs, mga buntis— COMELEC

POSIBLENG magiging available para sa elderly population ang internet voting ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay kung magiging matagumpay ang online voting para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa susunod na taon.

Ani COMELEC Chair George Garcia, marami na rin namang mga senior ang marunong hinggil sa teknolohiya kung kaya’t pwedeng-puwede para sa kanila ang online voting.

Maliban sa elderly population, maaari ding isama ng COMELEC sa internet voting ang mga persons with disability at mga buntis na kababaihan.

Para aniya hindi na kailangan pang lumabas ang mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble