IRR ng Department of Migrant Workers, inaprubahan na ni Pangulong Duterte

IRR ng Department of Migrant Workers, inaprubahan na ni Pangulong Duterte

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng bagong Department of Migrant Workers (DMW).

Kinumpirma ito ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Olalia, ilalabas nila ang staffing pattern para sa DMW sa Hunyo 3.

Gagawin din aniya nila ang budget ng ahensya para maisama sa 2023 government spending.

Nilinaw naman ng POEA na ang consolidated agencies sa ilalim ng DMW ay mananatiling independent hanggang sa maging operational ang bagong departamento.

Follow SMNI NEWS in Twitter