Isa sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon, kinukumbinsi ng PNP na magsalita

Isa sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon, kinukumbinsi ng PNP na magsalita

UMAASA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na makukumbinsi na rin nila ang isa sa mga naarestong suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon na tumayo na bilang state witness.

Ito’y para ganap nang matuldukan ang kaso ni Catherine Camilon at mapawi na rin ang matagal nang agam-agam ng pamilya nito hinggil sa kaniyang kasalukuyang kalagayan.

Pero pag-amin ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, P/MGen. Romeo Caramat, Jr. habang tumatagal ay lalong lumiliit ang tsansa na makita pang buhay si Camilon.

Gayunman, binigyang-diin ni Caramat na hindi pa rin naman sila bumibitaw sa pag-asang matagpuan pa ring buhay ang beauty queen mula sa Batangas.

Kaya naman, sinabi ni Caramat na patuloy ang ginagawa nilang pangungumbinsi sa tumayong driver na si Jeffrey Magpantay para lumabas na ang katotohanan sa kaso.

Samantala, sinabi ni Caramat na nakikipag-ugnayan na sila sa Bureau of Immigration para makapagpalabas ito ng Hold Departure Order laban naman kay dating P/Maj. Allan de Castro na una nang nakalaya matapos makapaglagak ng piyansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter