SINUSPINDE muna sa Niger ang British broadcasting company na BBC sa loob ng tatlong buwan.
Kaugnay ito sa naging coverage ng BBC hinggil sa isang extremist attack na umano’y kumitil ng maraming sundalong Nigerian at mga sibilyan.
Ayon sa Nigerian government, ‘fake news’ ang ibinalita ng broadcasting company at mistulang layunin nito ang destabilisasyon ng kapayapaan sa kanilang bansa.
Sa panig ng BBC, hindi anila sila maglalabas ng komento hinggil sa suspensiyon.