PINAUWI na at maaaring hindi na makapaglaro sa Paris Olympics ang Japanese gymnast na si Shoko Miyata dahil sa isyu ng paninigarilyo.
Sa ilalim ng batas ng Japan, ilegal para sa sinumang edad 20 taon pababa ang manigarilyo.
Si Miyata ay 19 na taong gulang pa lamang.
Ayon sa Japan Gymnastics Association, iimbestigahan nila ang ulat na ito subalit sa ngayon ay nakaalis na sa kanilang training camp sa Monaco ang nabanggit na gymnast.
Si Miyata ay inaasahang maglalaro upang makakuha ng gold medal para sa Japan mula sa Olympics.