Isang Philippine Eagle, nasa recovery stage matapos aksidenteng nahuli ng isang magsasaka

Isang Philippine Eagle, nasa recovery stage matapos aksidenteng nahuli ng isang magsasaka

NAI-rescue ang isang endangered Philippine Eagle sa Brgy. Bulu, Kabugao, Apayao ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa ulat ni Dr. Jayson Ibañez ng Philippine Eagle Foundation, aksidenteng nahuli ng isang magsasaka sa pamamagitan ng isang nylon noose trap o silo ang agila noong Marso 16.

Ang silo ay para sana sa mga baboy-ramo sa kagubatan ng Mt. Mabagyaw.

Habang hindi pa nakuha ang agila ay sinabi ng magsasaka na inalagaan niya ito at pinapakain.

Samantala, nang makuha na ang agila mula sa magsasaka at isinailalim sa X-ray, napag-alaman na mayroon itong sugat mula sa tatlong air gun bullets.

Posible ani Ibañez na matagal na itong natamaan ng air gun.

Sa ngayon ay nasa recovery stage pa ang agila at posibleng pakakawalan ito sa Abril 12 sa sinasabing teritoryo ng mga ito sa Kabugao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble