SINIRA na ng Israeli army ang Islamic Cemetery sa Southern Gaza.
Ito’y para hindi na magamit pa ng Hamas bilang military cover matapos nadiskubre nila na ang ganitong mga site ang ginagamit ng militanteng grupo bilang hideout o tunnels.
Dito na itinatayo ng Hamas anila ang command at control centers maging ang pagtatago ng mga hostage.
Sa panig ng Palestinians at iba pang rights groups, isang uri ng paglapastangan sa tinaguriang cultural heritage ang ginawa ng Israel.
Kaugnay rito, sinabi ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa Israel at Hamas na hangga’t maaari ay iwasan ang mga pag-atake ng mga site na itinuturing culturally-important.