TINANGHAL bilang “Most Streamed OPM Female Artist” sa Spotify ang Pinay singer-songwriter na si Janine Teñoso.
Batay ito sa post ng Chart Data Ph sa social media platform na X.
Kasalukuyang ipino-promote ni Janine ang pinakalatest nitong single na may pamagat na “Sandig” subalit nagsimula ang mas pagiging sikat ng singer nang mai-release nito ang single na “Tingin” noong Abril.
Ang “Tingin” ay may 20 million streams na sa Spotify.