MAGTUTULUNGAN ang Japan, Britain at Italy sa pag-develop ng next generation fighter jets sa taong 2035.
Ito ang kauna-unahang uri ng defense cooperation agreement ng bansa maliban sa Estados Unidos.
Ayon sa joint statement ng mga lider ng mga bansang ito, palalawigin pa nila ang kanilang kooperasyon sa pamamagitan ng fighter development program.
Malaking tulong ito umano para mapalakas ang kapabilidad ng mga bansang ito kabilang na ang technological advantage nito.
Ang Japan Mitsubishi Heavy Industries Ltd. at Britain Bae Systems Plc. ang mangunguna para sa development program na ito.
Plano ng Japan na mag-deploy ng bagong fighter jets sa taong 2035 para mapalitan ang mga lumang F2 fighter jets ng air self-defense force nito.