ANG ekonomiya ng Japan na ngayon ay nasa ikaapat na puwesto sa mundo ay lumago ng 1.9% sa nominal terms noong 2023, ibig sabihin hindi ito nababagay sa inflation subalit sa mga tuntunin ng dolyar ang gross domestic product nito ay nasa $4.2trillion lamang kumpara sa $4.5 trillion ng Germany.
Ang paghina ng yen laban sa dolyar sa nakalipas na dalawang taon ang sanhi ng pagbagsak nito sa recession kung saan bumaba ang Japanese currency ng halos kalahati kumpara sa US dollar noong 2022 at 2023 kabilang ang 7% na pagbagsak noong nakaraang taon.
Tulad ng Japan, ang Germany ay nahirapan din sa mapagkukunan dahil lubos na umaasa lamang sa mga export ang bansa habang ang pinakamalaking ekonomiya ng Europa ay nayanig dahil sa pagtaas ng presyo ng enerhiya dulot ng digmaan sa Russia at Ukraine, problema sa pagtaas ng mga interest rate sa Eurozone at ang kakulangan ng skilled labor workers.
Samantala, nakinabang naman ang mga Japanese carmaker at iba pang exporter mula sa mahinang yen, na ginawang mas mura ang kanilang mga kalakal sa international market subalit ang labor system ng bansa ay mas malala pa kaysa Germany dahil na rin sa mababang birthrate nito.
Inaasahan naman na lalo pang lalala ang kakulangan ng mga manggagawa sa Japan kahit marami na itong tinatanggap na mga dayuhang manggagawa dahil hanggang ngayon hindi pa rin na sosolusyonan ng gobyerno kung paano palalakasing muli ang birthrate sa bansa.