Jeepney operators, dapat maisa sa Libreng Sakay program ng pamahalaan –FEJODAP

Jeepney operators, dapat maisa sa Libreng Sakay program ng pamahalaan –FEJODAP

INIREKOMENDA ng isang grupo ng jeepney operators at drivers na dapat masama sa Libreng Sakay program ng pamahalaan ang kanilang hanay.

Ayon kay Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Ricardo Rebano sa panayam ng SMNI News, dapat gawing pantay-pantay o hahati-hatiin na lang ang pondo na inilalaan para sa ‘Libreng Sakay’ upang maisama ang mga jeepney drivers at operators.

Binigyang-diin pa nito na ngayong may pagtaas muli sa presyo ng produktong petrolyo ay labis silang naaapektuhan.

Sakaling mabigyan naman ng subsidiya ang operators, mas mainam aniya na maisama ang jeepney drivers dahil sila rin ay gumagamit ng petrolyo.

Matatandaan ani Rebano na sinabi ng pamahalaan na wala ng pondo para sa ‘Libreng Sakay’ ng carousel.

Subalit kamakailan ay inanunsyo na posibleng maibabalik ang proyekto dahil may naisama palang budget para dito sa 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter