School-related violence, pinaiimbestigahan sa DSWD

School-related violence, pinaiimbestigahan sa DSWD

PINAIIMBESTIGAHAN ni House Committee on Welfare of Children Chairman Angelica Natasha Co sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tumataas na bilang ng shool-related violence sa bansa.

Ang huling insidente ay ang pananaksak-patay sa 13-anyos na estudyante ng isang 15-anyos din na estudyanteng suspek.

Nangyari ang krimen sa loob mismo ng Culiat High School sa Quezon City.

Para kay Co, ang insidente ay hindi dapat ituring na isolated incident dahil mayroong mga kaso nitong huli ng pananaksak sa loob ng mga paaralan sangkot ang mga estudyante at minsan mga guro.

Saad ng mambabatas, dapat dagdagan ang safeguards sa mga pumpublikong paaralan at komunidad at higpitan ang pagpasok ng mga patalim sa campus.

Giit ng kongresista, mariing ipinagbabawal ang pagdadala ng ‘kutsilyo o anumang uri ng patalim sa paaralan.’

Bilang tugon, dapat ding i-institutionalize ang psychological debriefings sa mga masisidhing krimen lalo na sa loob ng campus.

 

Follow SMNI News on Twitter