FINALLY discharged na ngayong araw, Hunyo 12 mula sa kaniyang mandatory military service ang Korean singer na si Jin ng BTS!
Binati naman ng kaniyang kapwa BTS members si Jin at sa katunayan, nagsagawa pa ng special saxophone performance si RM.
Sa mga larawang kumalat sa social media, makikita rin sina J-Hope, V, Jungkook, at Jimin na niyakap si Jin bilang pagbati.
Tanging si Suga lang na nagsisilbi bilang social service worker ang absent ngunit posibleng sa Hybe Building na lang ang mga ito magkikita-kita.
December 2022 nang mag-enlist bilang active-duty soldier si Jin.