Joint rallies kasama ang UniTeam, inanunsyo ng PDP-Laban

Joint rallies kasama ang UniTeam, inanunsyo ng PDP-Laban

INANUNSYO ng ruling party PDP-Laban Cusi faction ang posibilidad na magkaroon sila ng joint rallies kasama ang UniTeam nina frontrunners Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte.

Sa isang panayam sa Laguna, sinabi ni PDP-Laban Secretary General at Cabinet Secretary Melvin Matibag na kasama sa agenda nila sa mga pagpupulong ang pagsasagwa ng joint rallies.

Lalo na at ang UniTeam ang susuportahan ng ruling party para magkaroon ng continuity sa mga programa ng Duterte administration.

Bukod dito, umaasa rin sila Matibag na makakasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paparating na joint rallies.

Ani Matibag, balak din nilang magsagawa sa Bulacan tapos Parañaque at baka sakali isa pa sa Laguna, at Nueva Ecija at umaasa sila na makakasama nila dito si PRRD.

“Maganda yung pag uusap namin. Ang UniTeam at PDP-Laban maganda ang pag-uusap, may mga plano talaga,” saad ni Matibag.


Follow SMNI NEWS in Twitter