Juan Karlos, magkakaroon na ng first major concert sa susunod na buwan

Juan Karlos, magkakaroon na ng first major concert sa susunod na buwan

MAGKAKAROON ng kauna-unahang major concert matapos ang 10 taon sa industriya ang OPM hitmaker na si Juan Karlos ngayong Nobyembre 29, 2024!

Pinamagatang ‘Juan Karlos Live’, isasagawa ito sa SM Mall of Asia Arena.

Ang ticket prices ay magsisimula sa P750 hanggang P8,500 kasama na ang isang t-shirt, tote bag, meet-and-greet opportunity, at signed poster.

Magiging available ang tickets sa lahat ng SM ticket outlets.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble