Kahandaan ng COMELEC para sa BSKE 2023, nasa 98% na—COMELEC Spox

Kahandaan ng COMELEC para sa BSKE 2023, nasa 98% na—COMELEC Spox

SA pulong balitaan sa Quezon City, kinumpirma ng tagapagsalita ng Commission on Elections (COMELEC) spokesperson Atty. John Rex Laudiangco ang halos 100 porsiyentong kahandaan ng ahensiya para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Batay sa datos ng COMELEC, 98% nang handa ang kanilang ahensiya para pangunahan ang nasabing lokal na halalan habang nasa 100 porsiyento naman sa operations and logistics nito partikular na sa mga balota na gagamitin ng mga botante.

Sa katunayan, naihatid na at naihanda na rin ng COMELEC ang mga kinakailangang materyales at gagamiting pasilidad sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Ayon sa listahan ng COMELEC, handang-handa na ang rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region, Caraga, at Zamboanga habang sunod na kukumpletuhin ang mga gagamiting materyales sa National Capital Region (NCR).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter