PINURI ni Lieutenant General Fernyl Buca, Philippine Armed Force (PAF) commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang limang araw na mobilization exercise (MOBEX) 2023 bilang guest of honor and speaker sa Naval Station Ernesto Ogbinar sa San Fernando, La Union.
Layunin ng Naval Forces Northern Luzon (NFNL), MOBEX CY2023 na pinasimulan noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 2, 2023 ang paghahanda at pag-aayos ng Philippine Navy reservists para sa kanilang deployment.
Saklaw ng aktibidad ang call-up phase, orientation, processing, pag-equip sa mga reservist na sinusundan ng kanilang pagsasama sa NFNL operational control/tactical control unit para sa kasunod na pag-deploy.
Ginanap ang at-sea events sa katubigan ng Sual, Pangasinan kung saan tampok ang pagsasama ng mga reservist mula sa 121st, 122nd, at 113th Naval Squadron Reserve sa loob ng LC288, PC380, at PC388.
Magbibigay rin ang aktibidad ng mahalagang oportunidad sa pagsali sa undocking/docking maneuvers, special sea detail operations, GUNNEX exercises, VBSS/MSAR drills, ship evolutions, and battle messing/repel boarder at anti-sneak attack simulations.
Sa kabilang banda, isinagawa naman ang ground events sa Santa Ana, Cagayan, at Ilocos Norte na may aktibong partisipasyon ng 4th Marine Brigade sa pamamagitan ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 at MBLT 10 Units.
Sumailalim naman sa matinding pagsasanay ang mga reservist mula sa 111th at 112th Naval Squadron Reserve, 11th Naval Group Reserve, at 111th, 112th, 113th, 114th, at 115th Marine Company Reserve sa Pekiti Tersia Kali (PTK) ang marksmanship kung saan hinahasa sila sa combat fighting at firing skills.
Prayoridad ng pagsasanay ang humanitarian assistance and disaster relief (HADR) event na mahusay na pinangunahan ng Naval Task Force 11 Sagip kung saan nagpakitang gilas ang mga reservist mula sa 12th Naval Group Reserve, 121st at 122nd Naval Squadron Reserve, gayundin ang NSEO Medical Team at NAVSOU2 Team.
Saklaw nito ang simulated combat firing upang subukan ang kanilang markmanship skills at itampok ang capability demonstration (CAPDEMO) para sa collapse structure search at rescue (CSSR) kabilang ang search and location procedures, breaking and breaching techniques, shoring and lifting operations, at pre-hospital treatment demonstrations.
Ayon kay LtGen. Buca, ang matagumpay na aktibidad ay pagpapakita ng dedikasyon at kahandaan ng mga reservist kasama ang kanilang hindi matitinag na pangako para proteksiyunan ang bansa at ang mamamayang Pilipino.
Pinuri din nito ang katatagan, propesyonalismo, at hindi natitinag na diwa ng mga reservist, patunay na ang mobilization plan ng navy ay isang testamento sa kahandaan ng nasabing puwersa at mga reservist na may mahalagang gampanin.
“Today, we witnessed the culmination of a rigorous training of our naval reservists. The mobilization exercise has successfully show cased the dedication and readiness of our reservists. They have demonstrated their unwavering commitment to the protection of our country and its people. I commend their resilience, professionalism, and unwavering spirit. The navy’s mobilization plan is a testament to our commitment to ensuring the readiness of our forces, and our reservists play a crucial role in achieving that readiness,” ayon kay LtGen Fernyl Buca.
Kasunod ng simulate mobilization stage ang post-mobilization phase na isinagawa sa tabi ng culmination NFNL MOBEX 2023 sa NSEO Grandstand, San Fernando City, La Union.
Pinangunahan din ni LtGen. Buca ang clearing operations, critique/evaluation processes, troop and equipment accounting, at detachment/deactivation ng reserve units na kabilang sa post-mobilization phase.
Samantala, ang matagumpay na pagtatapos ng MOBEX CY2023 ay sumisimbolo sa hindi natitinag na pangako ng mga reservist sa pagpapanatili ng isang mahusay, handa at may angking puwersa para sa pagsisikap na matugunan ang mga hamon at sakuna, gayundin ang pagtatanggol, seguridad at kaunlaran ng bansa.