Kai Sotto, maglalaro na rin sa Japan B. League

Kai Sotto, maglalaro na rin sa Japan B. League

MAGLALARO na rin sa Japan Basketball o B. League si Kai Sotto.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng Hiroshima Dragonflies ang pagpirma ni Kai ng kontrata para sa 2022-23 season.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kai sa pangulo at general manager ng koponan sa pagkakataon na ibinigay sa kanya na maging bahagi ng team.

Dagdag nito, gagawin n’ya ang lahat ng kanyang makakaya para makatulong sa koponan na makaabot sa championship.

Bago nito, una ring nagpasalamat ang Filipino baller at NBA hopeful sa Adelaide 36ers ng Australian National Basketball League o NBL sa dalawang taon na naging bahagi ng koponan.

Si Kai ay nakapag-average naman ng 7.1 points at 4.5 rebounds sa 50 games sa NBL.

Follow SMNI NEWS in Twitter