KAKISAB Prayer Rally, napaka-organisado at may disiplina na rally— Atty. Salvador Panelo

KAKISAB Prayer Rally, napaka-organisado at may disiplina na rally— Atty. Salvador Panelo

NAGBIGAY ng talumpati si Atty. Salvador Panelo sa isinagawang Kapangyarihan at Kalayaan Ibalik sa Taong-Bayan (KAKISAB) Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila bilang suporta kay Pastor Apollo Quiboloy.

Aniya, ngayon lamang siya nakaranas ng rally na napaka-organisado at disiplano, tanda aniya ng nagkakaisang Pilipino.

Sigaw nito sa entablado ang katarungan para kay Pastor Apollo.

Ayon kay Panelo sa mga sumisira sa butihing Pastor na huwag subukan ang Diyos ng Tadhana at huwag subukan ang pasensiya ng sambayanang Pilipino.

May hangganan aniya ang lahat.

Hinihimok din nito ang buong bansa na magkaisa alang sa pagmamahal sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter