Kaligtasan ng mga nakatira sa Pag-asa Island, pinatitiyak ng DND

Kaligtasan ng mga nakatira sa Pag-asa Island, pinatitiyak ng DND

NAGPAPATULOY ang kooperasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng mga naninirahan sa Pag-asa Island at kalapit na isla.

Ito ang tiniyak ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. matapos ang insidente sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard noong Nobyembre 20.

Ayon kay Faustino, patuloy nilang hinihintay ang karagdagang ulat tungkol sa insidente kung saan isang “unidentified floating object” ang sapilitang kinuna ng China sa Philippine Navy.

Maliban dito, inaalam din ang umano’y pagsabog na narinig malapit sa Pag-asa Island matapos ang insidente.

Tiniyak ni Faustino na suportado nila ang diplomatic efforts ng gobyerno upang maipaliwanag ng China ang kanilang panig.

Follow SMNI NEWS in Twitter