Kantang “Last Christmas”, nais na ipatanggal sa lahat na music platforms ng isang mag-asawa

Kantang “Last Christmas”, nais na ipatanggal sa lahat na music platforms ng isang mag-asawa

NINANAIS ng isang mag-asawang Swedish na ibasura at hindi na marinig pa ng ilang taon ang kantang “Last Christmas” ng English pop duo na Wham!.

Rason ng babaeng asawa, 12 taon na ang nakalipas nang nagtrabaho siya sa isang cafe sa Oxford.

Ang boss aniya sa cafe na iyon ay halos buong araw na paulit-ulit na pinapatugtog ang “Last Christmas” at hindi na umano lubos maisip ng mga staff na nagtatrabaho kung ano ang gagawin nila dahil nakakaumay na.

Ito na ang dahilan kung bakit napagdesisyunan nilang magkaroon ng fundraising upang makalikom ng pera para bilhin ang rights ng kanta at mawala na ito sa lahat na music platforms.

Sa kasalukuyan, tumataginting na 15 million dollars ang halaga ng rights ng kanta sa ilalim ng Warner Chappell Music UK.

Ang nalikom pa ng mag-asawa ay aabot pa lang sa 50 thousand pounds subalit target talaga nilang makuha ang 15 million dollars.

Follow SMNI NEWS in Twitter