HUMINGI ng paumanhin sa publiko ang aktres na si Karla Estrada kaugnay sa musikang inilapat nito sa isa nitong video reel sa kaniyang social media account.
Ayon sa aktres, hindi siya aware na ang nasabing musika na nailapat sa kaniyang video reel ay isa palang awitin na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan.
Sa naturang video, nais ni Karla na maging isang Philippine Army reservist.
Dagdag pa nito, wala siyang kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman ng kanta na kaniyang inilapat sa video.
Sinabi naman ni Estrada na ang kaniyang layunin sa pagsali sa Philippine Army bilang reservist ay upang makapaglingkod sa bawat Pilipino at sa bansang Pilipinas sa abot ng kaniyang kakayanan.
Sa ngayon, binura na ng aktres ang naturang video.