Kaso ng Filipino-Indian national, ipinalilipat ni Remulla sa DOJ

Kaso ng Filipino-Indian national, ipinalilipat ni Remulla sa DOJ

IPINALILIPAT ni Justice Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla sa Department of justice (DOJ) ang kaso ng isang Filipino-Indian national na naaresto dahil sa kasong ilegal na pagdadala ng armas at pampasabog.

Ayon kay Remulla, ito’y para sa isasagawang case build-up at preliminary investigation ng DOJ.

Inatasan din ni Remulla si Assistant State Prosecutor Michael John Humarang na humawak sa kaso.

Nahuli noong Hunyo 22,2023 si Amith Chandiramani matapos ang raid sa bahay nito sa Dasmarinas, Cavite.

Nahaharap ngayon si Chandiramani sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble