Katawan ng dalawang 14-taong gulang na nalunod sa Solana, Cagayan, narekober

Katawan ng dalawang 14-taong gulang na nalunod sa Solana, Cagayan, narekober

NAREKOBER ng Philippine Coast Guard North Eastern Luzon ang katawan ng dalawang 14-taong gulang na mga biktima ng pagkalunod sa Purok 7, Natappian, Solana, Cagayan, kahapon Marso 28, 2024.

Nakilala ang mga biktima na sina Aldrin Mabborang at David Miguel Caasi.

Ayon sa kanilang mga kasama, naisipan nilang lumangoy sa ilog na malapit sa lugar.

Ang dalawang biktima, na hindi rin marunong lumangoy ay hindi sinasadyang nakarating sa malalim na bahagi ng ilog, na naging sanhi ng kanilang pagkalunod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter