Kauna-unahang mobile food laboratory, ibinida ng DA

Kauna-unahang mobile food laboratory, ibinida ng DA

IBINIDA ng Department of Agriculture (DA) ang kauna-unahang mobile plant food safety laboratory ng bansa.

Magagamit ang mobile laboratory para sa pagsasagawa ng rapid screening at testing ng pesticide residue, heavy metals at microbiological contaminants.

Sa pahayag ng Bureau of Plant Industry (BPI), aabot sa 20-30 samples kada araw ang kaya nitong ma-accommodate.

Sa pamamagitan nito ay matitiyak na ang malinis at ligtas na pagkain para sa mga Pilipino ayon sa DA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble