MAGBABALIK sa Gilas Pilipinas si LA Tenorio ngunit hindi bilang manlalaro kundi magsisilbing assistant coach ni Tim Cone sa nalalapit na stint ng Gilas sa Asian Games.
Maliban sa Asian Games ay may plano rin si Tenorio na maglaro para sa 48th Season ng Philippine Basketball Association (PBA).
Buwan ng Marso nang inanunsiyo ni Tenorio na mayroon siyang Stage 3 colon cancer.
Buwan ng Abril naman ay sinabi niya na tumor-free na siya matapos sumailalim sa operasyon.
Sa kabila nito ay ibinahagi niya na bumubuti na ang kalagayan nito dahil malapit nang matapos ang kaniyang chemotherapy sessions.