HINIMOK ni Partido Reporma chairman and standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang pamahalaan na madaliin ang pagbili at pag-abruba ng scientifically proven antiviral drugs gaya ng ‘molnupiravir’ habang patuloy na nireresolba ng bansa ang problema sa COVID-19.
Sinabi ni Lacson na dapat madaliin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbibigay ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa mga nasabing pills upang hindi mapag-iwanan ang taumbayan sa pagkakaroon ng access sa posibleng gamot laban sa nakahahawang sakit.
Ani Lacson, dapat nang ilabas ng FDA ang permiso para sa nasabing gamot upang sa oras na ilabas ito sa merkado ay bibili na lamang ang nasyonal na pamahalaan, at mga locel government units upang ipamahagi sa mga ospital.
Ang Merck at Ridgeback Biotherapeautics, ang Biopharmaceutical companies sa likod ng Molnupiravir ay nakapagsagawa ng tagumpay na clinical trials upang magamot ang mas nakahahawang COVID-19 variants.