Lalaking ibenebenta ang umano’y tungkod ng yumaong Queen Elizabeth II, nahaharap sa kasong panloloko

Lalaking ibenebenta ang umano’y tungkod ng yumaong Queen Elizabeth II, nahaharap sa kasong panloloko

NASENTENSIYAHAN ang isang nagngangalang Dru Marshall kaugnay sa kasong panloloko.

Ito’y matapos sinubukang ibenta ng lalaki sa eBay ang sinasabi niyang tungkod na pagmamay-ari ng yumaong Queen Elizabeth II.

Sinasabi ni Marshall na nagpakilalang senior footman ng Windsor Castle na ang magiging kita ng tungkod ay ibibigay para sa isang cancer research.

Kaugnay nito, umabot ang halaga ng bidding ng umano’y “antler walking stick” ng British Queen ng 540 pounds.

Agarang kinansela ang bidding matapos mapag-alamang pinaghahanap na siya ng mga awtoridad.

Haharap ngayon si Marshall sa kasong fraud sa Southampton Magistrates’ Court at noong Lunes, Enero 8 ay pinatawan ito ng 12 buwan na community order.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter