Legislative agenda ni PBBM sa Philippine Development Plan 2023-2028 suportado ni Sen. Bong Go

Legislative agenda ni PBBM sa Philippine Development Plan 2023-2028 suportado ni Sen. Bong Go

SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang legislative agenda ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028.

Ayon kay Go, ang PDP 2023-2028 ay magbibigay ng tamang patnubay kung paano pamamahalaan ang bansa habang nagsisikap na makabangon mula sa mga epekto ng pandemya.

Naniniwala rin si Go na ang mga panukalang nilalaman nito ay magkakaroon ng malalim at positibong epekto sa buhay ng lahat ng Pilipino.

Prayoridad din ng PDP 2023-2028 ang pagpasa ng batas para sa rental subsidy at mabilis na pag-access sa programang pabahay para sa informal settler, homeless at underprivileged.

Follow SMNI NEWS in Twitter