MAGHIHIGPIT si bagong Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian sa implementasyon ng proper uniform sa kanilang ahensya.
Ito ang inanunsyo ni Gatchalian sa pinaka-una nitong flag raising ceremony sa DSWD Headquarters sa Batasan Hills Quezon City.
Ani Gatchalian, siya mismo ang maninita gaya ng ginawa niya noon sa Valenzuela bilang Mayor ng siyudad sa mga hindi nagsusuot ng proper and complete uniform sa mga empleyado.
Partikular na ang tamang pagsusuot ng sapatos na dapat kasama sa proper uniform ng mga taga DSWD.
Ginagawa aniya ito ng kalihim dahil bahagi ito ng professionalism na gusto niyang ipairal sa tanggapan.