Makatatanggap ng libreng bakuna kontra COVID-19 ang mga residente sa San Jose del Monte (SJDM) sa Bulacan ayon kay Congresswoman Florida Robes.
“We will shoulder the rest if the demand is higher. Everyone will get a jab free of charge,” ayon kay Robes.
Aniya ay hinihintay na lamang nila ang approval at guidance mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung anong bakuna ang gagamitin at kung kailan simulan ang mass inoculation.
“No one will be left out in the vaccination in San Jose del Monte. This is for our own protection,” ani Robes.
Priyoridad naman ng pamahalaan ng SJDM para sa libreng bakuna laban sa COVID-19 ang mga medical frontliner, security personnel, mga senior citizen, mga bata at mga taong may co-morbidities.
“I regularly talk to the IATF to update us on the process,” ayon pa kay Robes.
Patuloy pa rin ang pagpatutupad ng istriktong health protocols ng mag-asawang Robles sa kanilang nasasakupan bilang pangunahing depensa laban sa virus.
“We urge the public to continue observing health protocols,” ayon pa kay Mayor Arthur Robes.
As of December 30, mayroon lamang naitala ang SJDM na 40 aktibong kaso ng COVID-19 o 2% sa 1,729 na kumpirmadong kaso na may 1,608 ang nakarekober habang nasa 81 ang nasawi.
Nakaraang Disyembre 4 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1057 kungsaan ay kinilala ang SJDM bilang highly-urbanized city.
Gaganapin naman ang isang plebisito para sa pagpapatibay sa nasabing proklamasyon.
“This is another important milestone for San Jose del Monte. We thank President Duterte for signing the proclamation,” ani Robes.