Libu-libong fans ni Andrew E, dumalo sa Bagong Pilipinas Rap Festival Tour sa Rio Banquet Calgary AB

Libu-libong fans ni Andrew E, dumalo sa Bagong Pilipinas Rap Festival Tour sa Rio Banquet Calgary AB

ISANG maingay at matagumpay na concert ng Filipino Rap Festival ang naganap sa Rio Banquet Calgary, Alberta AB noong nakaraang Sabado kung saan ang tinaguriang ‘Master of Rap’ na si Andrew Espiritu o mas kilala bilang ‘Andrew E’ ay muling nagpakitang gilas ng kanyang galing sa pag rap.

Si Andrew E ay naging sikat noong 1990 dahil sa kanyang kanta  na “Humanap ka ng panget”

Ilan din sa mga performer na kasama ni Andrew E ay ang Fuzbuzlaw, Salbakuta, Krussada, at Six Threat at iba pang local Filipino artist na naka base sa Calgary na nagpakitang gilas din sa opening act.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang concert goers at sila’y umaasa na magkakaroon pa ng susunod na concert si Andrew E.

Sulit na sulit yung Andrew E dito sa Calgary, 1991 pa lang kilala ko na si Andrew E, high school pa lang ako noon at tsaka taga Davao ako, Duterte country, Mabuhay po tayo lahat, Filipino in Calgary”.

“I came from Regina, Saskatchewan, nag travel pa kami almost 8 hrs para mapanood namin yung concert ni Andrew E, which is naging maganda naman. From the start and from the last ng performer ay maayos, so dahil mga performer ng Pilipinas, so it’s very quality. Thank you po.”

 “Actually napakasaya, it’s amazing, ngayon lang ako nakakita ng concert na pwede kahalubilo mga tao so na amaze ako actually, I am so very proud na nakarating ako dito sa concert na to, Thank you so much.”

“Sa kinalabasan po, ang saya-saya ng concert, ang daming umattend, at tsaka pang masa talaga, the best, awesome.”

“Hello, good evening po, ang ganda po ng concert, the best po, at napakaswerte ng Calgary po.”

“At talagang the best, dahil kung sino yung pinakamalakas sumigaw nakakuha ng kanyang pantalon, grabe. Kami ang pinakamaingay.”

Samantala, lubos din naman ang  pasasalamat ni Andrew E sa SMNI kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa lahat ng suporta simula pa sa mga campaign rally nila BBM/Sara noong nakaraan na ngayon ay siya ng President and Vice President-elect ng Pilipinas.

 “Of course, na meet ko ang ating Pastor Quiboloy, so napakabait po at talagang inalagaan kami ng paanyaya, so maraming maraming salamat po Pastor, maraming salamat, long live. May you guide your herd to the right direction. Maraming maraming salamat po Pastor Quiboloy, at sa lahat ng naniniwala sa SMNI, keep on believing, because that’s the only way that other people will believe in you. Maraming maraming salamat po SMNI. We love you,” ang pasasalamat ni Andrew E.

Samantala inaasahang dadagsain din ng maraming Pilipino ang mga susunod na concert tour ni Andrew E sa Lloydminster AB at Vancouver BC sa mga susunod na linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter