UMAAPAW na kasiyahan ang handog ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng SMNI Foundation Incorporated at People’s Republic of China sa rehiyon ng Kalibo, Aklan ng Visayas.
Sa kabila ng unos na dumating sa kanilang buhay, heto at may mabigat silang rason para magsaya at magpasalamat sa malalaking regalo na ipinaabot sa kanila ni Pastor Apollo at Ambassador Huang Xilian.
Mula sa isang matagumpay na serye ng relief operations sa Luzon at Mindanao, ngayon sa Visayas naman.
Kung saan libu-libong indibidwal na nakatakdang tumanggap ng regalo mula sa SMNI Foundation Incorporated sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy at sa kauna-unahang pagkakataong ugnayan ng People’s Republic of China.
Mula sa saku-sakong bigas, assorted goods, naglalakihang galon ng tubig at food packs.
Lahat ng ito ay nakalaan para sa mga kababayan lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Visayas.
Sa Brgy. Tinigaw Kalibo Aklan, daan-daang residente ang halos pinadapa ang kabuhayan matapos palubugin ng tubig-baha ang kanilang barangay dulot ng matinding pag-uulan dala ng bagyo.
At kasabay ng kanilang unti-unting pagbangon, ay ang pagbuhos din ng dasal, tulong at biyaya para sa kanilang lahat at isa na rito ang naglalakihang regalo mula sa SMNI Foundation Inc. at People’s Republic of China.
Sa malaking gym ng kanilang barangay, bakas ang saya, at lubos ang pasasalamat ng mga residente dahil sa nag-uumapaw na tulong na kanilang natanggap.
Wika nga, tutal ilang araw na lang ay Pasko na, magsisilbi itong maagang pamasko para sa lahat.
At mula sa aktibidad na ito, tiniyak din ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ng SMNI Foundation Inc. at People’s Republic of China na mararamdaman ng mga benepisyaryo ang malaking pag-ibig ng Diyos na mailigtas sila sa kapahamakan at sa mga biyayang kanilang matatanggap dito sa kanilang barangay.
Tunay ngang wala nang makapipigil sa sinumang nais magbigay ng tulong sa kapwa, kagaya ni Pastor Apollo, saan man, sino ka man at ano ka man, wala siyang pinipili bastat nangangailangan, ika’y kanyang tutulungan.