PALALAWIGIN pa ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang kanilang operating hours.
Ito ay upang makapagserbisyo ng mas marami pang pasahero sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Simula nitong Biyernes, Hunyo 17, 2022, inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ang huling train mula Antipolo Station ay aalis na ng alas–9 ng gabi habang ang huling train mula sa Recto Station ay aalis ng alas–9:30 ng gabi.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mabebenipisyuhan ng inisyatiba ang mga nagko-commute na mga manggagawa na na–stranded sa pag-uwi dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo.