Magkakagulo kung mananalo si BBM– Pacquiao

Magkakagulo kung mananalo si BBM– Pacquiao

MAGKAKAGULO kung mananalo si presidential candidate Bongbong Marcos Jr. ngayong halalan.

Ito ang inihayag ni Senator Manny Pacquiao.

Aniya, hindi matatapos ang bangayan dahil pagkatapos ng eleksyon ay hindi papayag ang mga dilawan na uupong muli ang isang Marcos.

Binigyang diin pa nito na pulitika na ang nabibigyang pansin sa ngayon at naisasantabi ang pagpapasigla sa ekonomiya.

Kawawa aniya ang mga tao sa nangyayari dahil sila ang lubos na naaapektuhan.

BASAHIN: Mommy Dionisia, gustong maging presidential adviser ni Manny Pacquiao

Follow SMNI NEWS in Twitter