LTFRB, tumatanggap na ng aplikasyon para sa special permit ng mga bibiyaheng bus sa Holy Week

LTFRB, tumatanggap na ng aplikasyon para sa special permit ng mga bibiyaheng bus sa Holy Week

BINUKSAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon para sa special permit applications para sa mga bus na bibiyahe sa darating na Semana Santa.

Ito ay para masigurong may sapat na bilang ng bus na bibiyahe para sa mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Nagsimula ang pagtanggap ng aplikasyon simula nitong Pebrero 26 hanggang sa Marso 8.

Ang probisyon naman ng special permits ay limitado lamang mula Marso 24 hanggang Marso 31, 2024.

Kaugnay rito, pinapayuhan ng LTFRB ang mga operator na nais magsumite ng aplikasyon para sa special permit na ihanda na ang mga kakailanganing requirements.

Kabilang na ang ang kasalukuyang LTO OR/CR at valid Personal Passenger Accident Insurance Policy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble