NAKATAKDA nang bumalik sa paglalaro ang beteranong basketball player ng San Miguel Beermen na si June Mar Fajardo.
Sa katunayan, ngayong Enero 12 na ang pagbabalik nito sa magiging laban ng Beermen at Blackwater Bossing.
Ngunit bago pa man ito ay kinakailangan munang makakuha ng medical clearance ang manlalaro upang maging opisyal ang pagbabalik niya.
Matatandaan na nagkaroon ito ng injury sa kaliwang kamay dahilan upang hindi ito makasali sa ibang laro ng Beermen.