Ekonomiya ng NCR, lumago pa sa 7.2% noong 2022—PSA

Ekonomiya ng NCR, lumago pa sa 7.2% noong 2022—PSA

INANUNSIYO ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumubuti na ang ekonomiya ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.

Patunay nito ang paglago ng Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng National Capital Region (NCR) na umabot sa 7.2% o katumbas ng P6.3-T na pagtaas sa kita ng NCR noong 2022.

Batay sa ulat ng PSA, kasama sa nakaambag sa paglago ng economic performance ng NCR ang services sector, sektor ng industriya at agrikultura.

Kung ikukumpara naman sa ibang rehiyon, nasa ika-11 ang NCR sa mga rehiyon sa bansa pagdating sa economic performance.

Positibo ang PSA-NCR na tuluy-tuloy na ang recovery sa NCR at nararamdaman na ito ng mga taga Metro Manila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter