Mahigit 40 Pinoy seafarers mula sa mga barkong inaatake ng Houthis sa Red Sea, ligtas pa rin—DMW

Mahigit 40 Pinoy seafarers mula sa mga barkong inaatake ng Houthis sa Red Sea, ligtas pa rin—DMW

LIGTAS ang 42 Pinoy seafarers na naka-onboard sa mga barko na tinatarget ng Houthi rebels ng Yemen sa Red Sea.

Ayon ito kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Cacdac.

Katumbas ang bilang ng Pinoy seafarers sa tatlo mula sa anim na barkong inatake ng rebeldeng grupo sa naturang bahagi ng karagatan at maging sa Gulf of Aden.

Ngayon ay hiniling ng DMW sa mga ship owner na huwag na sanang dumaan sa Red Sea o Gulf of Aden ang kanilang mga barko para sa kaligtasan na rin ng lahat ng kanilang crew.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble