Mahigit 50% ng gastusing pangkalusugan, napunta sa malulubhang sakit

Mahigit 50% ng gastusing pangkalusugan, napunta sa malulubhang sakit

Mahigit kalahati ng gastusing pangkalusugan ng Pilipinas noong 2025 ay inilaan sa noncommunicable diseases (NCDs), kabilang ang sakit sa puso, diabetes, at cancer, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Samantala, bumaba naman ang health expenditure sa infectious and parasitic diseases mula sa 24.2% noong 2014, ay 12.4% na lamang noong 2025. Kabilang sa infections and parasitic diseases ang dengue, pneumonia, diarrheal illnesses, typhoid fever, hepatitis, bronchitis at iba pa.

Lumabas din sa pag-aaral ng PSA sa hatian ng gastos sa health care noong 2025 na umabot sa 46.5% ang sinagot ng pamahalaan at ng PhilHealth. Ito ang libreng gamot at hospital payment na sinagot ng pamahalaan.

Sinundan ito ng out-of-pocket payment, na nasa 41.2%. Ito ang sariling gastos mula sa bulsa ng pamilyang Pilipino gaya ng pagbili ng gamot sa botika o bayad sa hospital bill.

Pinakamababa naman ang ambag mula sa private health insurance (HMO) na nasa 12.3%.

Sa kabila ng mga programa ng pamahalaan sa sektor ng kalusugan, halos dikit lang ang ginagastos ng mga Pilipino mula sa kabuuang sinasagot ng gobyerno at PhilHealth.

Ibig sabihin, halos apat sa bawat P10  ginagastos sa health care sa bansa ay mula pa rin mismo sa bulsa ng mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter