Bohol, isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Bohol, isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Isinailalim sa state of calamity ang Bohol dahil sa epekto ng matinding El Niño na nagdudulot ng tagtuyot at malaking pinsala sa sektor ng agrikultura.

Kasunod ito ng ulat na umabot na sa mahigit P370 milyon ang pinsala sa sektor, kung saan mahigit 18,000 magsasaka ang apektado.

Sakop ng state of calamity ang 36 na bayan sa Bohol, upang mas mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng tagtuyot.

Kabilang naman sa mga ikinokonsiderang hakbang ng lalawigan upang matugunan ang epekto nito ang cloud seeding, pamamahagi ng solar-powered water pumps, at pagpapatupad ng palay buy-back program.

Inaasahang magtatagal ang El Niño hanggang sa susunod na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter