Maymay Entrata, bibida sa Hong Kong Unlocked game show

Maymay Entrata, bibida sa Hong Kong Unlocked game show

Inanunsiyo ng tvN Asia na makakasama ng “Amakabogera” hitmaker na si Maymay Entrata sina Gabriel Prince, Moses Wong, at Chow Jia Hui sa paglilibot sa mga well-known at hidden destinations sa Hong Kong.

Magtatampok ang 6-episode series ng iba’t ibang challenges, upang tuklasin ang makulay na komunidad, pagkain, at kultura ng lugar.

Dumaan naman sa isang mahigpit na audition process ang apat na cast members at sisimulan nila ang kanilang misyon sa sikat na Avenue of Stars kasama ang isang special surprise guest.

Nabuo ang programang “Hong Kong Unlocked” sa pakikipagtulungan ng tvN Asia sa Hong Kong Tourism Board.

Follow SMNI NEWS in Twitter