Joshua Pacio, naidepensa ang world title kontra Japanese challenger

Joshua Pacio, naidepensa ang world title kontra Japanese challenger

Muli na namang naidepensa ni Joshua Pacio ang ONE strawweight world title matapos pasukuin si Japanese challenger Keito Yamakita sa ika-apat na round.

Naganap ang laban sa ONE Samurai 5 sa Tokyo, Japan, kung saan, nanaig si Pacio sa pamamagitan ng submission. Naging dikdikan ang kanilang paghaharap, habang kapwa nagpakita ng kanilang husay at kakayahan ang dalawang fighters sa loob ng ring.

Matapos ang unang tatlong rounds, matagumpay na nakuha ni Pacio ang kontrol sa ikaapat na round at pinasuko ang Japanese challenger sa pamamagitan ng arm-triangle choke sa 4:17 mark.

Ito na ang ikatlong sunod na title defense ni Pacio mula nang makuha ang kampeonato noong 2024. Umangat din sa 25-4 ang kaniyang professional record.

Follow SMNI NEWS in Twitter